
PUTAAAAAAAAAAAAAAAAAA. :”>
(Source: mahalkosierica)

"And this girl's seen a lot of pain. But this girl's gonna smile again
She knows that a flower grows every time it rains."
-This Girl by Nikki Flores.

PUTAAAAAAAAAAAAAAAAAA. :”>
(Source: mahalkosierica)

Hi mani bave. Lels. Kadiri talaga yung part ng bave. HAHAHAHA. Oayan. Inuna ko na yung sayo kasi may sala pa ako. Kasi naman eh. Si TOP yun ng Talk Back and You’re Dead. :( Sorry na. Sorry na kung kailan kailangan mo ng sandalan wala pa ako. Tengene. Sorry. Bati na tayo? Puh-lease? *puppy eyes* Lol.

Close kami nito sa twitter. Actually sya lang madalas kong kausap pag wala akong nattweet. At ngayon, mas gusto ko syang kausapin kasi may dalawa akong gusto i-unfollow. Dati nung gumawa ako ng twitter puro update lang talaga. Sikat yung mga twitter na punong puno ng quotes at kung anu ano. Ngayon? Puta, puro pasikat ang mga lalaki. Hindi ko nilalahat. Opinyon lang. Sa totoo lang, nakakasura na ang twitter. Sa sobrang dami ng sumikat sa twitter ang dami na ring nagpipilit. Mga famewhores. Sa totoo lang, sana sila na lang ang tinanyagang “JABITCH”. Basta alam nila sa sarili nilang good looking sila hanggang makakaya, nagpapansin. Kinagaya na nila sila Ranz, Lance, Jude at kung sinu-sino pa. Yung iba hindi naman ganun kagwapo pero trying hard pa rin.

Unang una. Pakyu nga pala sa gumawa nito. Alam mo bang 8:00AM na ako nakatulog gawa nito?! Mukha pa akong tangang nakikiramdam kung sisilipin ako sa kwarto ng magaling kong ama baka mahampas ako nun dahil nagpupuyat na naman ako. Alam mo bang 1 na ako nagising ng dahil dito at pagkadilat na pagkadilat ko laptop agad hinanap ko at etong wattpad agad inatupag ko? Hahaha. Joke lang yung mura. HAHAHAHAHAHA.
Ngayon na lang ulit ako nagkaganto. Naadik na naman ako. Feeling ko 2 days ko lang sya matatapos or parang ngayon lang, matatapos ko na sya ng isang araw. :| Grabe. Kaya ayoko magkaboyfriend eh. Hinihintay ko yung gantong mga lalaki eh. Litsi. Aasa na naman ako. Huhuhu. Buhayin nyo sila TOP, Kenji, Jepengson, Trick at kung sinu-sino pa. Ibibigay ko si Daniel Padilla at Zayn Malik sa inyo, akin na lang sila pag totoo sila. Puta, ayan. Natuluyan na si Kathleen. :(
Uy, alam na ha? Yung mga doodles matatagalan ha? Ehh. Mahal na mahal ko kasi si TOP. :(
Alam nyo ba yung preacher sa Born Again? Gusto ko kahit isang araw lang magagawa kong tumayo dun sa harap ng maraming tao sa church nila at ipahayag yung mabuting balita. Wow. Lalim. Hahaha. Pero promise, parang ang sarap kasing sila yung nakikinig sayo tas yung sinasabi mo tungkol kay God. Yung alam mong maganda at mabuti yung nagagawa mo. Yung tipong para bang binubuksan mo yung mata nila sa bagay na hindi nila nakikita.
Pero hindi mangyayari yun. Bukod sa mahiyain ako. Ayaw na nila akong pagsimbahin sa Born Again. Magkaroon naman daw sana ako ng pananampalataya sa Catholic. Feeling ko kasi yung puso ko nasa Born Again. :(
Kasi ginaganahan lang ako magbasa pag madaling araw. Haha. Ginagawa kong bookmark ang like button. Wala, tamad kasi ako pag gantong oras. Pag madaling araw kaya madami akong napopost kasi may nakukuha akong post sa nilalike ko. Tsaka pag ganto kasing oras sa wattpad ako nakatambay. Ayoko sa maraming tao. Luuh. Pero wag kayong mag-alala, nasusubaybayan ko naman post nyo. Hahaha. Feeling ko may paki talaga kayo sa post ko. Bahala na. Libre mangarap. =))))

Nakasanayan ko ng magdala ng kahit anong pwedeng sulatan pag aalis kami. Yung tipong makikita mo na lang ako sa isang sulok na nagsusulat ng kung anu-ano at sobrang seryoso. Ang dami ngang tumatawag sakin sa school na nerd kasi daw lagi akong may dalang notebook. Nerd agad pag may dalang notebook? Di nyo pa nga alam kung anong sinusulat ko eh. Hindi nga sya tungkol sa mga lesson eh. Hindi rin sya diary. Hahaha.
Mas maganda kasi pag yung binablog mo, yung sariwa pa yung pangyayari. Kasi diba kapag may naisip tayong idea, ilang beses mo mang ulitin yun sa utak mo maya-maya mawawala na kasi nakalimutan mo na. As much as possible, pag may idea na ako sinusulat ko agad sya sa extra notebook/paper ko. Tapos pag-uwi sa bahay or pag nasa harap na ako ng computer, papalawakin ko na yung ideang yun para hindi masabaw sabaw.
Sa sobrang init sa Pinas gustong gusto ko na mag-topless. Yung kahit sa bahay lang. Yung pwede kang paikot ikot. Or mas masaya kung talagang sa street nyo. Hahaha. Bakit kasi nauso yung malisya eh. Ang unfair kasi. Yung lalaki nakakapagtopless ng walang issue. Ang ikli pa ng buhok nila. Mas presko sila. Kami, bawal na nga magtopless. Ang weird pa kung magpapakalbo ka. Tapos ang mga lalaki kung makapagreklamo pa na naiinitan sila, pektusan ko kayo dyan eh.

Sonny With A Chance.
Bukod sa Wizard of Waverly Place, isa ‘to sa mga paboritong palabas na pinapanood ko pag tag-puyat. Unang labas palang nito, gusto ko na agad sya. Hindi porket andyan si Demi Lovato at Sterling Knight pero kasi parang ang cool ng mga cast. Ang ganda ng pagkakagawa. Nakakatuwa kasi.
Natatandaan ko nung nanood ako nito dati. Sa sobrang page-expect ko na may mangyayari kila Sonny at Chad, nairita ako. Wala kasi silang naging sweet moment nun. Nakatulog ako ng naiirita at nagising din ako ng naiirita. Grabe talaga. Para bang kulang araw ko pag di ko nasusubaybayan yung love team nila. Lalo na nung naging sila. Sobrang saya ko. Kasing saya ng pagkalabas ni Kit sa bahay ni Big Brother. Lels.