Ang hirap matrauma sa isang relasyon na pinagkaingatan mo pero bigla nalang nawala. Yung sa sobrang sakit ng naranasan mo, hindi na nawala sayo yung takot na mangyayari ulit yun. Yung gagawin mo lahat para lang maiwasan yung ganung pangyayari. Dito magsisimula ang pagtutulak mo palayo sa ibang tao.
Yung pag may nagkagusto sayo, itatanong mo sa sarili mo kung bakit at anong nakita nila sayo. Na isasaisip mo na hindi nila deserve ang katulad mo kasi napaka-kumplikado mong tao. Na alam mong hindi ka nila maiintindihan kasi mismong sarili mo hindi mo naiintindihan. Na alam mong masasaktan mo lang sila kasi mahihirapan sila sayo.
Yung pag walang nagkagusto sayo, itatanong mo sa sarili mo kung bakit at anong hindi nila nakita sayo. Na iisipin mo na ganun ka na bang ka-worthless na tao kasi walang dumadating sa buhay mo para pasayahin ka. Na hindi man lang sila lumaban nung itulak mo sila.
Yung pag nasa isang relasyon ka, shuffle yung feelings mo. Mahal mo, hindi mo mahal. Yung gusto mong tumagal yung lambingan nyo kasi mamaya maiisip mo na naman yung takot mo. Yung kahit anong gawin mo ikaw ang may kasalanan kung bakit lalabo ang relasyon nyo.
Guys, pwedeng favor? Pag may nakilala kayong ganto, please hug them really tight even though they push you away. Make them feel that they are loved. I know how this shit feels. Hahaha. I wanna hug all of you! >:D<